Aral-aral. Facebook-facebook. Kung ano-ano na ang tumatakbo sa isip ni Hilda. Di niya alam gagawin. Tamad mag-aral, pero kelangan. Midterms bukas eh. Statistics din yun. Mahirap. Daming formula ekek. Bukas uli ng notes, pero bukas din ng laptop. May notification. Check muna.
"Uy, nagcomment si friend sa status ko! Reply muna."
Nagpatuloy ng nagpatuloy, hanggang. BOOM! Gabi na. Wala pang na aaral.
"Shit! Go na muna sa pag-aaral. Ok lang kahit mapuyat," sabi niya ng may confidence sa sarili.
Binuksan si notes, binuksan din si libro. Pinilit buksan si isip. Pumasok mundo ng statistics. Ito na! GO! Habang binabagtas ng isip ang mundo ng Statistics, nakasalubong ni Hilda si Summation. Ilang oras nagbuno ang isip niya at si Summation. Pero di nagtagal, ang schema niyang walang laman, ang utak niyang umapaw sa bigat ng mga tapon si Summation na mga banat ay tila bumitiw sa katotohanan.
Natauhan siya. Napahiga na pala siya sa mga notes niya. Pagbangon niya, may lawa ng laway sa kalagitnaan ng book niya. Pinagmasdan ang lawa, at nakita niya ang repleksiyon niya. Lumabas ang repleksiyon, hinawakan siya sa mukha't, sinabi, "wala ka ng pag-asa. Bigti ka na, friend." Nagulantang siya't, napaatras.
"Di maaari. Katapusan na ng grades ko!" Nagtatakbo si Hilda sa kusina para uminom ng kape. Naghilamos at bumalik sa kwarto. Tinanggal ang lawa ng laway mula sa libro. Pinatuyo. Binuklat muna ang notes.
"Buksan ko kaya ang laptop muna? Tutal wala pa akong libro. Dun ko na hahanapin. Tama! Si google na bahala sa kin!" With confidence niyang naisip.
Binuksan ang laptop. Nagsearch. Nakita ang step by step na pagbuno kay Summation. Pinasok isip sa pagbuno, pero may narinig siyang tumawag. Mahina't matinis. "Pssssttt..." Napalingon ang kanyang kaisipan mula sa pagbuno kay summation. "Hoy. May message at mga notifications ka dito. Tignan mo muna." Si Facebook, tinatawag nito si Hilda. Nanginig si Hilda. Unti-unti siyang napalayo sa step by step ekek, at napapunta kay Facebook. Sa piling ni Facebook, and kamalayan ni Hilda sa mundo ay naglaho. Naramadaman niya ang matamis na yakap ng mga status updates ng mga friends. Ang halinghing ng picture ni crush. Ang matamis na paghihinagpis ni kinaiinisan. Naubos ang oras.
Ng makalabas sa mundo ni Facebook, alas dose na. "WALA NA!!!" Napasigaw ng wala sa oras si Hilda. Di alam ang gagawin. "One chance. Another chance for my reviewing.." Nagmakaawa sa kawalan si Hilda. Lumuhod. Pinagdikit ang mga palad. Tumingin sa kalangitan. "Pakinggan mo ako! Nagmamakaawa ang buong pagkatao ko. Gumawa po kayo ng paraan para masuspinde ang klase bukas!" Nadasal sa kawalan. Dininig ng butuwin at buwan ang mga dasal. Dininig din ng bathala ng ulan. "Ako ang bahala sa iyo, Hilda." Sagot ng bathala ng ulan. "Ang kahilingan mo ay siguradong masusunod."
Pag-gising ni Hilda, ang ulan ay napaka lakas. Sinalubong siya ng kanyang nanay ng may mainit na kape sa kamay at sabing walang pasok sa lakas ng ulan. Ang ngite ni Hilda ay umabot sa tenga niya, at napatalon sa tuwa. "SALAMAT!" Malakas na sigaw niya sa kalangitan. Ngumiti ang langit sa kanya. Ngunit may ibang ngiti ang langit sa kanya.Pait? Panlililo? Di niya maintindihan, ngunit wala na rin siyang paki-alam. Ang mahalaga lang sa kanya ay wala ng pasok! YES!
No comments:
Post a Comment