May isang linggo na simula ng hiwalayan siya ng girlfriend niya. Lalong bumigat ang kanyang mga penitensiya sa pang-araw-araw, pero kinakaya niya. Buhay eh. Ganun talaga. Walang permanente. Masakit at nakakalito, dahil nakipaghiwalay ang girlfriend niya sa chat lamang. Ayaw makipagkita, o kahit ano man. Walang closure na maayos. Ganun naman lagi. Tapos mamaya sila nanaman. Di naman kasi ganun kadali talikuran ang pagmamahalan.
Ngayong araw na toh, ganun pa din ang sched ng pag-uwi niya. Pag log-in, higa sa sofa. Luminga ng konti sa kompyuter.
"10 notifications. 3 messages. 4 friend requests."
Higa ulit. Muni-muni. Nakaka-idlip, pero sayang ang oras. Baka di makatulog mamayang gabi, o kaya masyadong maaga magising para bukas. Bangon. Upo sa kompyuter.
"Jennifer Casino added a new photo."
Bungad agad ng mga notifications niya. Click! Loading.
"Jennifer Casino
"Jennifer Casino
Bonding time with -- Joseph Viray"
Nanginig katawan ni Carlo. Gwapo ang lalakeng kaangkla ng ex niya. Di malayong makainlaban ng ex niya. Pero ano toh? Isang linggo? Agad-agad? Nagngitngit ang galit ni Carlo ng pumutok sa isip niya ang isang matinding ideya.
"Third party."
Di siya naniniwala sa ganung mga pangyayare, ngunit ang kanyang penitensiyang mabigat na kahoy na krus araw-araw ay tila naging marmol. Madaming naglaro sa isipan niya. Di matigil ang mga nagsasabi sa isip niya ng mga pwedeng nangyare, at ito ang kinahantungan ng relasyon.

"Tama na. Alam ko ang mga dapat kong gawin. Lagi na lang akong nag-iisip ng mga realizations. Strength na lang kailangan ko. Yun na lang. Di na ako iiyak."
Nagsuot ng damit pangtakbo. Takbo sa malayo. Sa tahimik. Umikot. Nag-isip.
"Bawian ko din kaya ng picture namin ng crush ko? Kaso, sigurado akong di mangyayare yun. Baka tumakbo yun pag nalaman niyang kukuhanan ko siya ng piktyur na kasama ko... O di kaya kutyabahin ko yung mga magaganda kong classmates na mag-'In a relationship' status kami, kaso may mga boyfriend sila. Ano ba ang dapat kong gawin para makabawi?"

Patuloy siyang nag-iisip habang tumatakbo. Babagal. Bibilis. Hihingalin. Tatamarin. Gaganahan. Ang gulo ng takob niya ngayon. Di alam kung sa patungo. Di alam kung saan hihinto. Isip-isip ulit. Pagod ay umakyat na sa isip niya. Napatanong siya:
"Bakit ba ako malungkot? Malungkot ba ako dahil iniwan niya ako? Oo. Sure yun, pero di lang naman siguro yun..."
Habang iniisip niya ang kanyang kalungkutan, di niya na malayan ang isang malaking bato sa kanyang dadaanan. Natapakan. Natipalok. Gumasgas ang mukha. Tulala. Humiga na lang siya sa malamig na semento. Tinignan ang kalangitan. Walang bituin. Umilaw bigla ang langit dahil sa kidlat. Maliliit, pero madami at mabilis, pumatak ang ulan. Lumakas. Nakahiga pa rin siya.

"... bakit nga ba?"
"Dahil di niya maramdaman yung lungkot na ramdam ko?"
Napatulala bigla siya sa kalangitan. Halos di mabuksan ang mata dahil sa pumapatak na ulan, ngunit di niya alintana. Tumulo ang luha kasabay ng pagpatak ng ulan sa kanyang mata.
"Ano ba pinroprotektahan ko? Ako ba, o pride ko? Magpapa-alipin nanaman ba ako sa akala kong ako? Pupukpukin nanaman ba ako ng pride sa ulo?"
Bangon. Takbo pauwi. Iika-ika. Pasok ng bahay. Tanggal sapatos. Palit ng tuyong damit. Sampay ang basa. Upo sa kompyuter.
"1 notification."
Click!
"Jennifer Casino updated her status: I'm so..."
Click! Loading.

I'm so happy today. Thanks for dinner! <3 -- with Joseph Viray"
Ngiti. Ngiting mapait. Ngiting may luha. Tayo sa upuan. Painit ng tubig. Timpla ng kape.
No comments:
Post a Comment